Supporting and advocating
for gay Adventists since 1976
For information
in a specific language, select from below:
Kinship? (Tagalog)
Ang Seventh-day
Adventist Kinship International, Inc. ay isang grupong nagbibigay ng
suporta sa pagpapalagom ng spiritual, emosyunal, sosyal at pisikal na
kabuuan ng mga Sabadistang lesbiana, bakla, bisekswal at transgender
at ng kanilang mga pamilya at kaibigan. Ang SDA Kinship ay naghahawan
at nagpapalawak ng pag-uunawa at apirmasyon ng mga homosekswal at bisekswal
na Sabadista kasama na ang buong komunidad ng mga Sabadista sa pamamagitan
ng edukasyon, adbokasya, at rekonsilyasyon. Nabuo nuong 1976, ang organisasyon
na ito ay binubuo ng 15 na opisyal at 10 rehiyonal na tagapangasiwa.
Ang kasalukuyang listahan ng mga miyembro at kaibigan ayumaabot na rin
sa isang libo na tao mula sa 16 na bansa. Ang pagbubuklod-buklod ng
SDA Kinship ay batay sa pangkalahatang kontribusyon ng mga kasapi at
kaibigan ng organisasyon. Ang SDA Kinship ay naniniwala na ang bibliya
ay hindi nangungutya o nagbabanggit man lamang sa homosekswalidad bilang
sekswal na oryentasyon. Ang mga texto sa biblya na kadalasang inginungutya
sa m ga homosekswal ay walang paralelismo kay Ellen G. White. Kdalasang
ang paghuhusga sa mga anak ng Diyos na nag-uugat or mayroong homosekswal
na praktis ay nagmumula sa malawak na di-pagkakaunawa sa bibliya. Ang
SDA Kinship ay isang non-profit na organisasyong naglalayon na makapagsulang
para sa karapatang pantao.